Nalungkot ang mga tagahanga ni Gabby Concepcion sa pagtatapos ng kauna-unahan niyang teleserye sa loob ng kanyang showbiz career at sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang. Maging si Gabby ay very vocal din sa pagsabi ng kanyang kalungkutan nu’ng makausap siya ng ABS-CBN.com. ”Well, ganu’n lang talaga. All good things must come to an end. Hindi naman forever. Tamang-tama naman dahil it will give me time to be with my family, to be with my mother,” paunang salita ni Gabby.
Ayon sa aktor, kailangan niyang pumunta muna ng Amerika upang magbigay supporta sa kanyang ina na malamang ay nangungulila sa pagkawala ng kanyang amang si Rollie. “Kailangan kong magpunta ng Amerika to support my mother and I hope wala nang lumabas na kung anu-ano pa. Because ang dahilan ko lang talaga para sa mother ko dahil ‘yon ang request niya sa aming magkakapatid. I hope wala na naman tayong marinig na kung anu-ano. Kawawa naman ang Mommy. ‘Yun lang ‘yon. Mayroon akong narinig na kung totoo raw ba na aalis ako dahil pinauwi na ako sa Amerika…naku, alam mo hindi, hindi. Uuwi raw ako dahil doon sa mga nangayri. Sabi ko, hindi. ‘Yan na naman tayo,” nailing na sabi ni Gabby.
Hindi naman daw siya aalis ng Pilipinas dahil nawindang siya sa sunud-sunod at ‘di matigil na kontrobersyang kinaharap niya sa kanyang pagbabalik sa bansa. “Hindi pero I can understand those who will make their own conclusion. Oo, kung sinusubaybabayan nila, kung ako ito, magpapahinga muna ako, ‘di ba? Pero ako okay lang because it what keeps my mind away pa nga, eh. Mas gusto ko magtrabaho because it keeps my mind away kaysa ’yung wala.” Wala naman daw naka-pending na trabaho si Gabby kaya’t sinamantala na niya magbakasyon. Kung papipiliin ay gusto niya na umalis this November. Promise ni Gabby na babalik siya sa ‘Pinas.
Marami rin umuugong na balita na siya ang iniisip na kasama sa comeback project ng isang artistang malapit din sa kanyang puso, si Lorna Tolentino. Posible raw na ang proyektong ito ay ang pagsasamahan ulit nila ng aktres na nakatambal na niya sa maraming movies. “Actually, hindi ko alam. Mas nauuna pa ‘yung ganyang balita. Wala pang sinasabi sa akin ang Channel 2, sina Malou (Santos ng Star Cinema), walang nagsasabi sa akin ng mga ganyang balita,” lahad ni Gabby. But if ever, welcome na welcome kay Gabby na makatrabaho ulit si LT. “Of coruse, LT ‘yan. Nakasama ko na siya noon. Marami-rami rin ang nagawa naming movie noon. Kita mo naman ‘no? Si LT nawalan ng loved one, ako nawalan ng loved one na well, of course, close to our hearts, tapos kami ang magsasama. Okay din ano? Timing,” sabi ni Gabby.
As of this writing, nalaman ng ABS-CBN.com sa family friend ni Gabby at TV/radio host na si Jobert Sucaldito na nakatakdang umalis ang aktor on December 11. Basically, Gabby will just spend the holiday season sa US with his family at babalik din ng Pilipinas after New Year. Pagbalik niya ng Pilipinas maaaring maumpisahan na ang usapan para sa bago niyang proyekto with ABS-CBN.