“Sobrang sobrang nanghinayang, nakita nyo naman kung paano ako umiyak nung time na yun. Tapos kahit ang tagal ko nang alam kung sino nanalo, napaiyak pa rin ako,” ito ang tuloy tuloy na pahayag ng panghihinayang ni Janna Dominguez sa ABS-CBN.com. Matatandaang halos limang metro lang ang lamang ng distansiya ng kotseng pinalipad ni Jommy Tioteco sa kotseng napalipad niya sa katatapos lamang na me ultimo duelo ng Pinoy Fear Factor Argentina, South America. Napakaiksing distansiya nga para sa hindi niya napagwagiang dalawang milyong piso, bahay at lupa.“Parang feeling ko sobrang gumuho ang mundo ko, tapos sabi ko nga umpisa pa lang ng laban to kailangang mag-move on.”
Marami din ang nagtatanong kung ibinuhos nga ba niya lahat ng kaya niya o sadyang hanggang dun lang ang nakayanan niya, “Oo naman, lahat naman tayo, pag andun na tayo ibibigay mo yung best mo. Di naman ako nanghihinayang sa ginawa ko kasi alam ko naman na ginawa ko lahat pero nanghihinayang ako kasi kulang pa talaga,” paliwanang pa ni Janna. Tinanong din namin kung maibabalik ang oras ng huling pagsubok, gagalingan ba niya at tatalunin niya si Jommy? “Kung maibabalik ko lang, naku masasabi ko sa ‘yo, Oo. Sabi ko sa ‘yo, papausukin ko yung ano (kotse)gagawin ko talaga lahat malagpasan ko lang ang ginawa ni Jommy kaso nangyari na, so at least happy na rin ako kay Jommy.”
Tapos na nga ang mga pagsubok sa reality show na kanyang sinalihan kaya naman handa na siyang suungin ang magulong mundo ng showbiz. “Di ko po ititigil yung sing along bars, kasi yun po yung training ground ko as an artist and at the same time yun po kasi ang naging stepping stone ko into showbiz. Wish ko po ngayon mas maraming projects, tapos sinama ako ngayon ni Direk Lauren (Dyogi) sa movie niya. Sana more projects to come.” Busy rin ang dalaga sa mga out of town shows at ayon pa sa kanya, todo raket siya para sa kanyang pamilya at sa pag-aaral ng mga kapatid nito.
Matatandaang nakaladkad ang pangalan ng dalaga sa kontrobersiyang naging sila diumano ni Lito Camo. Naging sila nga ba talaga nang magaling na singer/composer? “Hindi po. Hindi po talaga. Naging magkaibigan kami sa Wowowee ‘di ba kasi naging host po ako doon.Si Direk Bobot (Mortiz) friend ko rin po pati si Papi (Willie Revillame) magkakaibigan po kami and at the same time wala naman po akong masasabi kay Mr. Lito Camo kasi napakabait po niyang tao,” paglilinaw niya na tsismis lang talaga at walang katotohanan ang lahat nang mga nagsilabasang isyu. Panawagan niya, “Sana nga lang ‘di na sana ma-brought up ulit kasi ok na po tayong lahat.”
Bago matapos ang reality show na Pinoy Fear Factor, naging malapit sa isa’t isa sina Janna at Marion Dela Cruz, kaya nausisa ng ABS-CBN.com kung bakit hindi natuloy ang maganda nilang pagtitinginan. “One month po kaming magkakaksama dun, gaya ng nasabi ko na sa mga nag-iinterview,ang buhay kasi namin dun, kami lang nagkakakitaan, nagkakausap, nagkakakuwentuhan, nagkakakilanlan, so yung atensiyon namin sa amin lang na-focus, pero nung pagbalik namin ng Pilipinas iba na pala. So sabi namin may iba-iba na kaming buhay so sabi naming mas magandang friends muna kami dito sa Pilipinas.”
Sinu-sino naman kaya, kung papipiliin siya ng tatlo sa mga boys of Pinoy Fear Factor ang gusto niyang makasama o makapartner sa mga projects in the future. Nasorpresa ang ABS-CBN.com sa tinuran ni Janna. “Si Jose (Sarasola). Number one talaga si Jose. Pwede bang isa na lang. Pwede bang si Jose, si Jose at si Jose,” buong ningning na kinikilig pang sagot ng dalaga.” Ito kaya ang dahilan na hindi na nagtuloy-tuloy ang ligawan between her and Jommy? “Kasisinabi ko nga po na si Jose po talaga ang crush ko unang kita pa lang sa airport , yun naudlot lang yung pagkakakilala namin kasi nga umuwi na siya ng Pilipinas.” Isa si Jose sa unang napaalis sa reality show kaya short-lived ‘ika nga ang kanilang pinagsamahan sa Argentina. Pagtatapos pa ng dalaga, “Siya yung pinaka-close ko sa ngayon sa mga participantes. Lumalabas po kami, nag-uusap po kami.”
Original Post : Janna Dominguez admits to dating Jose Sarasola