NABALITAAN namin na gusto ni Manny Pacquiao na sa ABS-CBN ipalabas ang laban niya kay Ricky Hatton sa Mayo 2.
Sa pagkakaalam namin ay ang Solar Sports ang may hawak ng rights sa mga laban ni Manny.
Ang Solar ang dapat mamili kung saan nila gustong ipalabas ang laban.
Ang Solar ang dapat mamili kung saan nila gustong ipalabas ang laban.
Nabalitaan din namin na nakikipag-bid ang ABS-CBN sa darating na laban sa Mayo.
Malaki raw ang offer kay Manny ng Kapamilya Network at pinangakuan pa yata ang Pambansang Kamao na tutulungan ito ng network sa pagkandidato nito sa eleksyon.
Matatandaan na lumayas si Manny sa AB-CBN matapos batikusin ni Korina Sanchez sa radio program nito.

Feeling ni Manny noon, naturingan siyang Kapamilya pero hindi siya prinoteksyunan ng ABS-CBN na home studio niya noon. Abangan na lang natin kung ano ang mangyayari.
If ever ay baka ABS-CBN nga ang makakuha ng television rights.
Hanggang next year pa ang kontrata ni Pacquiao sa GMA 7. Tuloy pa rin ang mga trabaho niya sa nasabing network bilang host ng Pinoy Records.
Joe Barrameda
Abante-Tonite