Ngayong Pasko, let the true meaning of Christmas shine as GMA Network presents a story of love, family and forgiveness, na siguradong magpapaantig sa inyong mga damdamin. Text by Jason John S. Lim. Photos courtesy of GMA Network.
Beginning December 7, Sana Ngayong Pasko unfolds a heartwarming story featuring the country’s well-respected and award-winning artists in the entertainment industry, led by the Queen of Philippine Movies Susan Roces, together with Drama King Christopher de Leon, multi-awarded actress Gina Alajar, and award-winning veteran actor Dante Rivero.
“It’s really good to be back here in GMA,” Christopher de Leon tells the press during the grand launch of Sana Ngayong Pasko at GMA Network’s Studio 5. Dugtong niya, “and it’s good to be doing a very good teleserye.”
Tuloy niya, “alam namin lahat, and alam niyo din, na pag kami nagbigyan ng magandang materyal, magandang istorya, maganda man o maliit, talagang susunggaban namin. This is it.”
Christopher says that whatever it is viewers are looking for, they will find it in Sana Ngayong Pasko. Ika nga niya, “I’m sure you will enjoy this.”
Ang kauna-unahang ChristmaSerye sa kasaysayan ay itatampok rin sina Eddie Gutierrez, Carmina Villaroel, Jomari Yllana at Zoren Legaspi sa kanilang mga katangi-tanging pagganap. And to complete the cast are some of today’s hottest Kapuso stars, namely TJ Trinidad, JC de Vera, Maxene Magalona, JC Tiuseco, Ynna Asistio and Jacob Rica.
Queen of Philippine Movies, Susan Roces, took the opportunity of the press conference para magbigay pasasalamat. She says, “nais kong pasalamatan ang management ng GMA, para sa napakainit at nakakatabang-puso na pagtanggap nila sa akin dito.”
Kuwento niya, “nung inalok ninyo sa akin ang seryeng ito, ang proyektong ito, at narinig ko ang kasaysayan ni Remedios, hindi ako nagdalawang isip na ito ay tanggapin. Mangyari ay bihi-bihira lamang sa katulad ko, an actress in her senior years, na magkaroon ng pagkakataong mabigyan ng isang napakagandang role.”
Dagdag pa niya, “karangalan ko na makasama ang napakagagaling na mga artista.” Miss Susan even goes on to say na hindi magiging successful ang isang proyekto kung hindi ito binubuo ng magandang cast, kung hindi ito dinidirehe ng isang magaling na direktor, at hindi ito isinusulat ng isang maayos na mandudula. And the show definitely has all of these, and more.
Kaya naman aminado ang Queen ng Philippine Movies that she’s looking forward to watching Sana Ngayong Pasko herself.
“Inaanyayahan ko po kayo na abangan natin, at sabay-sabay natin subaybayan, ang kauna-unahang ChristmaSerye, kauna-unahan sa Philippine television. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.”
Sana Ngayong Pasko will touch hearts beginning December 7, weeknights on GMA Telebabad, pagkatapos ng Full House.