SUPER taas na pala ang TF ni Vice Ganda dahil nasa tugatog talaga siya ng popularity niya.
Ayon sa tsika P250,000 ang asking price niya kapag nag-i-inquire sa mga fiesta for three songs. Depende pa sa layo ng lugar ‘yan.
Sey naman ng isang katoto namin P1.5-M umano ang singil niya sa concert niya sa Araneta Coliseum ngayong May 15.
“Siya na ang highest paid local artist sa Araneta. Sunod lang sa kanya si Sharon Cuneta na P1-M,” sey ng aming source.
Bonggacious naman kung true ang figure na ito.