SHELVED na nga raw ang drama project na Bakit Kaytagal Ng Sandali, kung saan bida sana sina Maxene Maga*lona, Pauleen Luna at Mike Tan.
Mas nalungkot nga kami para kay Mike Tan dahil ito na ang pinakamalaking role na napunta sa kanya pagkatapos niyang mag-audition, kung saan marami siyang nakalaban for the role.
Papel nga ni Julio Diaz ang gagampanan niya sana sa TV version ng 1990 movie na pinagbidahan nina Dina Bonne*vie at Janice de Belen sa ilalim ng Viva Films na dinirek ni Chito Roño.
Puro nga supporting roles ang napupunta kay Mike Tan kahit na siya ang nanalo bilang Ultimate Male Survivor ng Starstruck 2. Ito na nga sana ang biggest break niya bilang leading man, pero bigla ngang napagdesisyunang i-shelve na ang naturang project at palitan ito ng Trudis Liit na isa sa mga classic komiks novela ni Mars Ravelo.
Sa mga nakarating sa aming balita, hindi pa raw matapus-tapos ang script para sa Bakit Kaytagal Ng Sandali dahil busy ang mga wri*ters sa ibang mga shows ng GMA-7. Kesa naman daw magmukhang minadali ang istorya, nagdesisyon silang i-shelve muna ito.
Pero from a reliable source ay may kinalaman pa rin ang feud nina Ma*xene at Pauleen kaya naapektuhan ang naturang proyekto. Pero may nag-claim nga na okey na raw sina Maxene at Pauleen, pero may nagsabi rin na hindi pa raw maayos ang dalawa kaya parang hindi maganda ang magiging vibes ng project.
Kaya dahil sa iringan nina Maxene at Pauleen, si Mike Tan ang naging kawawa. Pihadong balik sa supporting roles na naman si Mike dahil naudlot ang kanyang pagiging leading man.