Last Monday, humarap sa entertainment editors ang dalawang magigiting na lalaking nag-akyat sa GMA-7 sa pinakamataas nitong posisyon sa broadcast industry simula nang itatag ito sa 60 taon na ang nakalipas, sina Chairman/CEO/President Atty. Felipe Gozon at COO Jimmy Duavit.
Sa panahon nila bilang GMA-7 top executives naligalig ang ABS-CBN na dati’y kampanteng-kampante bilang No.1 TV network sa Pilipinas. Binago ni Atty. Gozon ang attitude ng kanyang mga empleyado, mula sa pagiging “defeatist” ay tinuturuan niya ang mga ito maging “agresibo” at pinamunuan para mag-sisp ng kakaiba at maghatid ng mga bagong programa na magugustuhan ng Pinoy televiewers.
Umupo bilang chief executive officer at president (dati na siyang chairman) noong 2000 si Atty. Gozon, huling bahagi ng 2003, nahablot na niya sa ABS-CBN ang pagiging number one sa audience rich na Mega Manila.
Pitong taon mula nang bulabugin sa trono ang ABS-CBN, in-upgrade nila ang kanilang transmitters sa key cities bilang bahagi ng planong tuluyan nang paghablot sa natitira pang teritoryo ng Dos sa Pilipinas.
Pero saka naman nagkakapatung-patung ang kanilang mga problema sa mga show na bigla nang tinalo uli ng ABS-CBN. Katunayan, nitong mga nakaraang linggo, madalas nang ABS-CBN uli ang No.1 (all-day ratings) maging sa AGB Nielsen Philippines na mas pinaniniwalaan ng GMA-7 camp kaysa sa TNS.
“I hate to admit,” sabi ni Atty. Gozon sa entertainment editors. “Naging kampante kami”. Ayon pa sa kanya, kapag nangunguna ka, “The tendency is to make easy. In this industry, you have to be ahead, you have to to know what the audience wants. Tha’ts why I enjoy this job more than my previous one (lawyer). Dito lahat, dapat bago”.
Inamin ni Atty. Gozon na may mga show na silang tinatalo o tinalo ng mga programa ng Dos.
“For example, ‘yong Sis,” kuwento niya. “Ang tagal, ‘yun ang nananalo sa slot na ‘yun. Ang daming itinapat du’n pero hindi natinag. Nakatsamba sila (ABS-CBN) sa Showtime. Talo ang Dis Iz It. So we have to change it. By August, papalitan na ‘yang Diz iz It.”
Nagbabago na rin ang taste ng viewers sa Buble Gang, pero… “Bubble is almost synonymous na with GMA,” sabi ni Mr. Duavit.
“We’re not thinking of replacing Bubble Gang,” susong naman ni Atty. Gozon.
Marami silang mga bagong show na niluluto sa kasalukuyan para mabawi ang dati nilang momentum.
“We just consider it a wake-up call,” patuloy ni Atty. Gozon. “We’re still in a good position and we will surmount it”.
2 Comments
Try harder GMA7! Puro kasinungalingan at press release lang kayo kaya kayo nananatiling talunan. Una nyong baguhin yung attitude ng mga empleyado nyo. You should set a good example lalo na sa mga supporters from Class D at E.
go KAPUSO!….don’t worry makababawi tayo kaagad !… people knows what station is the best to watch… don’t worry coz we don’t believe on what TNS ratings shows! BREAKM A LEG KAPUSO… GO FIGHT!