OFFICIAL Kapuso star na si Cesar Montano dahil sa pagpirma niya kahapon ng kontrata sa GMA 7.
Pagkatapos ni Cesar, si Edu Manzano ang popular actor na napapabalita na susunod kay Cesar sa GMA 7.
Nang kumandidato siya noong nakaraang eleksyon, nagbitaw ng salita si Edu na tatalikuran na niya ang entertainment industry, maliban na lang kung may talagang maganda ang offer.
Kung totoo man na babalik si Edu sa television scene at lilipat siya sa GMA 7, tiyak na gusto niya ang project na ibinibigay sa kanya.