Wala sa Party Pilipinas mamaya si Jolina Magdangal, pero hindi dahil may problema siya sa staff o director ng show ng GMA 7, kundi dahil umalis siya kahapon for San Francisco para sa GMA Pinoy TV. Sa July 20 na ang balik niya at tiyak na nasa PP siya next week para ipagpatuloy ang celebration ng 20th anniversary niya sa showbiz.
Habang nasa Amerika, aayusin na rin ni Jolina ang entry permit niya para sa green card niya at tila balak nitong manirahan sa States. Tinulungan siyang ayusin ang entry permit ng BF niyang si Marc Escueta, pero hindi natapos, kaya siya na ang mag-aayos.
Hindi rin totoong nagtatampo si Jolina sa GMA Network dahil wala siyang project dahil kapipirma lang niya ng two-year exclusive guaranteed contract at umaasang patuloy siyang aalagaan ng network.