Hindi pa rin ganun kaganda ang episode ni Direk Mark ng PP although nag-improve compare sa mga previous episodes nya. May pagka-SOP pa rin ang dating lalo na yung prod. number nina Janno, Mark, Gian, Jay-R at Pop Girls. Tapos meron pang OJ na trademark na ng SOP, di ko rin nagustuhan ang opening parang ang gulo!
Ang nagustuhan ko lang sa Supersonic episode ay ang dance number nina Ogie at Regine, yung ‘’acoustic acceleration’’, treadmill dance number at syempre ang vocal powers ng mga diva (Jaya, RAG, Francheska, La Diva, Kyla, Regine).
Wala rin dating sa akin ang stage at lighting ni Direk Mark. At pansin ko ang konti ng production numbers kanina. Di ko ramdam ang presence ng La Diva pero in fainess bumawi naman ang PP kay Jolina! Naku sana bumalik na talaga ang dating Direk Mark na astig ang style!
Tingnan na lang natin ang susunod na kabanata sa Party Pilipinas : Let’s Play!