Nayari pala ng Kapamilya si Andi Eigenmann dahil sa lantaran nitong pagkukuwento sa kanyang twitter account na nanonood siya ng Survivor Philippines : Celebrity Showdown ng GMA 7 na halos may ilang minutong nakasabay ng programa niyang Agua Bendita sa ABS-CBN.
Nasulat kasi ‘yun. Type na type daw kasi ni Andi si Solenn Heussaff. At kung lalaki raw siya, pakakasalan niya ito.
Lagot.
Kaya sermon ang inabot niya.
Bakit nga ba parang patay na patay si Andi kay Solenn eh ang ganda-ganda rin naman niya.
Paano kaya ngayong tapos na ang Agua Bendita?