Simula sa Lunes, Oktubre 11, ay makukumpleto na ang Korean invasion mula sa mga sinenovela na ewan kung bakit nag-klik sa Pinoy televiewers. Para maiba naman ang afternoon drama block ng GMA7, ihahandog nito ang isang orihinal na sinenovela titled “Koreana” na parang Pinoy version ng “Jewel in the Palace”, na cooking in the palace pala!
Para sa role niya bilang Korean-Filipina ay nag-aral si Kris Bernal ng Korean language, at cooking lessons para maging kapani-paniwala siya sa papel niya. This time hindi lang isang injured partner ang ibinigay kay Kris kundi ang dalawang Starstruck winners na sina Rocco Nacino at Steven Silva. Who gets to win her heart will be the surprise of the sinenovela.
Kasama rin ni Kris Bernal sina Eddie Garcia at ang gaganap na parents niya na sina Angelu de Leon at Marco Morales. Ang manggugulo naman sa buhay ni Kris ay ang mamasan ni Rocky Salumbides na si Eula Valdez at Lotlot de Leon na nagpalaki kay Kris.
Sa kuwento, nakapagtrabaho si Kris sa isang Korean restoran bilang isang chef na pag-aari naman ng Lolo Eddie niya! Oh, debah parang kuwento talaga?
Mapapanood din naman. Simula sa Oktubre 14 ng mga subscribers sa GMA Pinoy TV sa US, Asia Pacific, and the Middle East. Aber nga, mapanood!