Magsisimula sa October 23 sa TV5 ang Willing Willie at mapapanood ito mula 6:30 hanggang 8:30 p.m. Originally, 5:00 to 7:00 p.m. ang timeslot ng show ni Willie, pero inilipat ito sa ibang oras dahil alay niya sa pamilyang Filipino ang kanyang show na pilit na hinaharang ng ABS CBN dahil hindi pa tapos ang exclusive contract niya sa Kapamilya network.
Ipinaliwanag ni Willie na magkakasama tuwing hapunan ang pamilyang Filipino kaya nag-adjust sila ng TV5 sa oras para sama-sama ang mga pamilya sa panonood ng Willing Willie.