Hindi pa kumbinsido si Annabelle Rama sa paghingi ng sorry ni Heart Evangelista sa kanya.
“Hindi ko naman napanood ’yung paghingi niya ng sorry. Sana ’yung pag-iyak niya talagang sincere siya dahil ako naman talaga ang nagpasikat sa kanya,” sagot ni Annabelle.
Hindi pa niya masasabi sa ngayon kung nakahanda na ba siyang makipag-ayos kay Heart at sa magulang nito.