Isa na namang big break kay Aljur Abrenica kung siya ang magiging bida sa TV remake ng ‘Machete’.
Ang unang ‘Machete’ ay ginampanan ni Cesar Montano sa Seiko Films noong 1990, sinundan ito ni Gardo Verzosa at sa ‘Komiks’ naman ng ABS-CBN 2 noong 2006 ay si Joseph Bitangcol.
Balitang ibabalik ito ng GMA 7 at si Aljur nga ang napipisil. Naniniwala naman si Cesar na bagay kay Aljur ang naturang serye kaya aprubado ito sa kanya. Baka raw malampasan pa niya o mas maganda ang magagawa ni Aljur bilang ‘Machete.’
Ready na rin si Aljur na magpakita ng katawan sa naturang serye dahil nakabahag ito at maraming love scenes sa mga leading ladies. Hindi na rin daw siya bagets kaya kaya niya raw itong gawin, Twenty years old na raw siya at mature na raw siya para gawin ang ganung mga eksena.