Sa December 12 naman ang last appearance ni Regine sa Party Pilipinas. Isa sa mga huli nitong pinagka-kaabalahan ay ang promo ng Fantasy na special kay Songbird dahil last album niya as a single woman.
Ang next album niya, Alcasid na ang kanyang apelyido.
For somebody na malapit nang ikasal, hindi ngarag si Regine dahil hindi siya masyadong involve sa wedding preparation. Hindi lang siya masyadong nakakatulog dahil sa anxiety.
“What causes my anxiety? Parang ang tagal ng wedding. July pa nag-start ang preparation, parang matagal, pero alam kong worth it ang ipinaghintay namin ni Ogie,” sabi ni Regine.