Nag-story conference kahapon ang bagong teleserye ng TV5 na pagbibidahan ni JC de Vera, ang Ang Utol Kong Hoodlum, kung saan introducing ang younger sister ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith. Ginanap ang storycon sa Broadway studio ng TV5. After ng storycon, nag-pictorial ang cast.
Like Anne, ma-PR din si Jasmine at palagi siyang nakangiti. Bukod sa tapings sa Baguio at Manila, magte-taping din ang Ang Utol Kong Hoodlum sa Sydney at Melbourne dahil kailangang bumalik ng Australia ni Jasmine. Inayos ang script ng teleserye para magswak na may mga eksena sa bansang ‘yon.
Excited na si JC sa location taping nila sa Australia. Very proud ang binata na after ng My Driver Sweet Lover nila ni Danita Paner ay isa na namang big-budgeted show ang ibinigay sa kanya ng Kapatid network.
Happy rin si JC na matitindi ang supporting stars nila ni Jasmine sa Ang Utol Kong Hoodlum. Si Jay Manalo na co-Royale Artists Management, Inc. talent ni JC ang pangunahing kontrabida sa nabanggit na teleserye ng TV5. Kasama rin sa show si Miriam Quiambao.