Mamaya na after 24 Oras ang pilot ng Puso ng Pasko na sina Richard Gutierrez at Vicky Morales ang main hosts at sina Drew Arellano at Rhian Ramos ang challenges hosts. Sabi ni Lloyd na PM ng show, mala-Wish Ko Lang at Survivor Philippines ang PNP, kaya ang dalawa ang kinuhang hosts. Nominado ng komu-nidad ang mga taong tutu-lungan ng 12 pairs ng Kapuso stars na nahahati sa Blue, Red at Green team at tatanggap ng prizes worth P5M.
More fun than challenge kay Richard ang mag-host ng PNP at honored siya to be working with Vicky. He’s always on his toes daw at bawal siyang magkamali, pero enjoy siya sa mga ganitong show. Nagbiro itong magli-leave ng one year sa entertainment at sa News & Public Affairs muna ng GMA-7 siya magtatrabaho.
Samantala, sa December 8 ang alis ni Richard para dumalo sa Asian TV Awards dahil nominated sa Best Natural History or Wildlie Programme ang Planet Philippines. Ang National Geographic at Discovery Channel lang naman ang makakalaban ng PP.