Totoo ang balitang pumayag ang GMA-7 na i-promote nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa Party Pilipinas ang movie nila sa MMFF na Rosario.
Twice nilang nabanggit ang movie at nakapag-imbita silang panoorin ang pelikula.
Ang hindi lang puwede ay ang mag-promote ang dalawa sa TV5 dahil pareho silang may exclusive contract sa GMA-7. Bumabawi naman sila sa full ad sa newspapers at mall tour sa key cities ng bansa.
Ikinuwento ni Direk Albert Martinez na dinudumog ng tao ang mall tour ng cast ng movie sa mga pinupuntahan nila.
Samantala, naikuwento ni Albert na noong una, ayaw gawin ni Isabel Oli ang love scene nila ni Dennis Trillo dahil nahihiya’t may kasamang halinghing at kalabugan.
“Sinabi ko lang na I need the shot and after five minutes, pumayag siya, she said ‘I’ll do it,’ kaya tuwang-tuwa ako. “Napanood n’yo ang eksena, nakagugulat dahil first time niyang ginawa, pero hindi pangit,” sabi ni Albert.