Excited si Dennis sa Dwarfina na first project niya for the year sa 2011 at masaya na natuloy din ang pagtatambal nila ni Heart Evangelista na matagal niyang pinangarap at ngayon lang natupad. Kahit hindi siya duwende, malaking challenge sa kanya ang umarte na kunwari’y may kausap.
Hindi lang si Dennis Trillo ang excited kundi pati kanyang mga tagahanga. Huli siyang napanood sa GMA7 remake na Endless Love kung saan nakasama niya sina Marian at Dingdong.