Hindi pa man natatapos ang Tween Hearts nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza ay may niluluto na agad na teleserye na pagbibidahan nila. Ayaw nga silang paghiwalayin ng GMA, dahil marami talaga ang sumusuporta sa kanila.
Malaki rin kasi ang nagawa ng Tween Hearts sa kanila na maraming nanonood kapag Linggo pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA 7.
Gaya ni Louise delos Reyes ng Alakdana ay naghahanda rin ang GMA 7 ng magandang teleserye para sa dalawa. Sigurado kami na kasama pa rin ang iba pang taga-Tween Hearts gaya ni Derrick Monasterio. Ang ganda kasi ng ratings ng Tween Hearts, at tulad ng Bantatay ay extended din ito sa ere.