Siguradong tuwang-tuwa nito si Kylie Padilla dahil may tsikang papasok na rin siya sa Reel Love Presents…Tween Hearts. Hindi lang kami sure kung guest lang ang dalagita o magiging permanenteng kapalit ni Louise delos Reyes na inalis na dahil ini-launch sa Alakdana.
Nawalan ng kapareha si Derrick Monasterio sa pagkawala ni Louise at magandang promo rin sa Dwarfina kung saan magkapareha sina Kylie at Derrick, kung pati sa Tween Hearts, sila rin ang magka-loveteam.