Balik-drama na si Maxene Magalona pagkatapos niyang magpaalam bilang isa sa mga hosts ng Tweetbiz sa QTV 11.
Isa si Maxene sa bida ng bagong serye ng Dramarama sa Hapon ng GMA 7 na may working title na Moral.
Halos lahat ng project ni Maxene sa GMA 7 ay drama sa hapon at maganda ang feedback nito at nag-rate naman.
Kaya puwede na nga siyang tawaging Dramarama Princess.
Ngayong araw sila magsisimula ng taping dahil ito ang ipapalit sa timeslot na iiwanan ng Koreana.
Kasama ni Maxene rito sina Nadine Samonte, Marco Alcaraz, at Luis Alandy, na ididirek ni Jay Altarejos.