Balik-solo lead role ang magaling na actor na si Mark Anthony Fernandez via soap Heredera.
Ito ang soap na balitang ipapalit sa Dwarfina at idi-direk ni Maryo J. delos Reyes. Makakatambal ni Mark Anthony sa soap si Carmina Villarroel at gaganap naman bilang matriarch si Miss Gloria Romero.
Opo, Kapuso na si Ms. Gloria na gaganap sa isang mahalagang papel sa Here-dera. Kasama rin sa cast sina Kristal Reyes, Paolo Contis, Gabby Eigenmann at ilang young stars .
Nagbabalik-telebisyon naman si Ting Arnaldo na nauna nang nagbalik-akting sa Captain Barbell, bilang ina ni Jilian Ward na namatay sa panganganak.