Gagamitin ni Nomer kay Ali Sotto ang clairvoyance para makausap ang namayapang anak na si Mico Sotto.
Idi-decode ni Nomer ang message ni Mico para sa ina at sa puntong ito, magiging emotional si Ali. Ganu’n din ang gagamitin ni Nomer kay Rochelle Barrameda na gustong malaman ang estado ng kapatid na si Ruby Rose na nasawi sa malagim na paraan.
Telekinesis ang ipinagawa kina Kylie Padilla, Frank Magalona at Carl Guevarra na hahanapin ang cold spot ng isang bahay na pinamumugaran ng spirit. Pang-finale ang pagpi-perform ni Nomer ng mentalism kay Joey.