Kanina nga ay nagkaroon na ng story conference ang GMA7 tungkol sa kauna-unahan nilang danceserye. Ilan sa mga kumpirmadong cast ng danceserye na ito ay sina Mark Herras, Kris Bernal, Sarah Lahbati at ang buong Sayaw Pilipinas Dance Crew ng Party Pilipinas (Diva Montelaba, Wynwin Marquez, Yassi Pressman, Enzo Pineda, Sef Cadayona at Rocco Nacino).
Makakasama rin nila ang mapipiling winners ng Jump In na inilaunch sa Party Pilipinas.
Nakatakdang magsimula ang taping sa susunod na Linggo.