Ngayong araw ginanap ang last taping day ng romantic-comedy soap ng GMA7 na I Heart You Pare sa Fernbrook Gardens sa Alabang.
Sa nalalapit na pagtatapos, ipapaalam na ba ni Tonya/Tonette ang tunay niyang katauhan o mananatili na lang siya tahimik? Matutuloy kaya ang kasal nila Kenneth at Nikki? Paano kung mahanap na nila Sonny si Tonya?
Subaybayan ang nakakapanabik na pagtatapos ng I Heart You Pare pagkatapos ng Munting Heredera at bago ang Secret Garden.