Matagal na si Nadine Samonte sa GMA7 at marami na siyang napatunayan lalo na sa pagdating sa acting. Isa siya sa mga iilan talagang kasabayan niya na nagmamarka ang galing sa pag-arte.
Ito ang pangalawang beses na nabalitang lilipat si Nadine pero this time, mukhang totoo na since may mga offers na talagang mahirap tanggihan. Higher talent fees raw ang offer sa kay Nadine ng isang network at ‘yung isa naman ay ganoon din pero sure na may show.
Sigurado namang may paglalagyan itong si Nadine saan mang network ito mapaunta dahil magaling naman ito sa pag-arte. Wala pang balita kung anong contract ang kinokonsider nito pero isa ang sigurado, wala na siya sa Kapuso Network.
1 Comment
is this freakin sure? I mean, I saw her in the Black Book