Isa sa mga characters na papasok sa Amaya ay ang character ni Aubrey Miles. Hindi pa namin alam kung magiging kakampi siya or kalaban pero ‘yan daw ang dapat nating pakaabangan.
Isa lang siya sa ilan pang artistang ipapasok sa epicseryeng Amaya ng GMA7. Mas lalo pang magiging maganda ang mga tagpo ng Amaya sa mga susunod na Linggo dahil mula sa pagkaalipin ay inaasahang magiging warrior na siya!
Bukas na ang simula ng taping ni Aubrey sa Amaya.