Kinumpirma na ng manager ni Christopher de Leon na si Lolit Solis (sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon, June 16) na may offer si Boyet sa Kapamilya Network na malamang siya ang magbida.
Hinihintay na lamang daw ng mga taga-ABS-CBN ang availability nito.
Sa ngayon ay napapanood pa rin si Boyet sa Telebabad ng GMA7 na Captain Barbell kung saan bida si Richard Gutierrez. Hindi pa inaannounce kung kailan matatapos ang series na ito na nagsimula noong March 28 ngayong taon.
1 Comment
mali po kayo ang captain barbell po ay nagsimula noong march 28 hindi po 21 dapat po 21 pero hindi natuloy kaya naging 28