Pormal nang ipinakilala kanina sa Party Pilipinas Tibok si Janine Gutierrez sa bagong launch na segment na Love, Party Pilipinas kung saan nakasama niya sina Jay Perillo, Marc Abaya, Julie Ann San Jose, Melmar Magno (XLR8) and Dennis Trillo. “Who Says” ang title ng kinanta niya na pinasikat ni Selena Gomez na sinasabi ring kamukha niya.
Si Janine ang panganay na anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. Present sa launching na ito ang mga magulang ni Janine na sina Lotlot at Monching na suportado ang anak sa pagpasok sa showbiz. Habang nagpeperform siya ay suportado naman siya ng kanyang mga pinsan at mga kapatid kasama ang tita niyang si Jackilou Blanco. Sa stage naman ay pormal siyang winelcome nina Raymond at Richard Gutierrez na pinsan din niya!
Pinag-usapan din ang paglabas ni Janine Gutierrez sa twitter kaya naging trending topic ito kanina habang nagpeperform siya sa Party Pilipinas.
Siya ang sinasabing ipapakilala ng Party Pilipinas this week. (See the link)
1 Comment
Richard and Raymond are his uncles. 🙂