Sino naman kaya ang pagaganapin na Captain Barbell ng ABS-CBN ngayong nabili na nila ang rights nito sa pamilya ni Mars Ravelo, writer ng nasabing nobela? Katatapos lang kasi ng Captain Barbell sa GMA7 at ngayon ay nasa ABS-CBN na ang karapatan para mamili ng kanilang bagong gaganap sa superhero na ito.
Kahit nagawa na ito ng dalawang beses ng GMA 7, marami pa rin ang magiging interesado na mapanood nito kapag ginampanan ito ng isang Kapamilya. Ganito kasikat ang superhero na ito. Sino kaya ang babagay sa role na ito sa mga Kapamilya leading men? May suggestion ba kayo?
Si Richard Gutierrez ang huling gumanap sa TV bilang Captain Barbell at ayon sa kanya (mula sa isang panayam), wala pa siyang nakikitang babagay sa role kundi siya lamang.
8 Comments
pag natuloy ito, patutunayan ng abs-cbn na gaya-gaya sila sa GMA7… wawa talaga ang kapamilya…
nako po! pati darna nga eh may remake ulit:)) nyahahaha wag na abs, mga dramarama nalang muna..mas magandaa pa..
kaya nga… wala na ba talaga maisip na kwento ang abs? at gagaya pa sa gma? nakakaumay na nga panuorin ang 2 part ng captain barbel uulitin din nila? sawa na ang mga tao dun.. asa pa sila na tataas ang rating..
kaya gusto nilang ipalabas ang captain barbel ksi alam nila na maganda ang story d lag nila maamin dahil nahihiya silang sabihin dahil pinipintasan ito ng mga tagasunod nila noong nasa GMA pa ito. hehehhe
NakapaDUMI talaga maglaro ng ABSCBN. Alam kasi nilang malakas ang DARNA, DYESEBEL etc. ,di naman malakas ang CB pero kinuha na din nila, marami kasing nanunuod nyan sa GMA.
haha.. bitter ung iba jan… alamin nyo muna kc ang kwento.. its the Ravelos who offered the rights to Abs-cbn… besides, tignan natin who can make the better version… and walang gaya2 dun kc GMA’s version is not even the original one.. tsaka, as if nanuod ang mga kapamilya sa version ng gma.. syempre, gagawin ng kapamilya un for their viewers… andami nyong satsat di wag nyo panoorin… walang pumipilit sa inyo…
hahaha…kakatawa ang mga kapusucks, bitter na namn sila. kaya ini offer ng ravelos family ang mga rights it’s because gusto nilang mabigyan ng justice ang mga story. alam niyo nmn pag gawang abs…award winning. take note gagawin din ang mga ito sa movie under the no.1 film outfit ang star cinema, then tv na. kuha mo?!
alam nyo kaya lang inoffer ng ravelo’s family sa abs cbn dahil tapos ng pinalabas sa GMA xmpre sa ibang network naman sila para kumita diba.. after abs.. for sure iooffer yan sa TV5 haha… pero ampangit kung ipapalabas pa ng dos kasi tapos na yan eh