Masayang-masaya na humarap sa press si Claudine Barreto noong presscon ng Iglot noong nakaraang Biyernes (July 1, 2011). Matagal din ang ipinaghintay ng lahat sa seryeng ito ng Optimum Star.
Kitang-kita na malaki ang ipinagbago ng katawan niya at talagang fit sa kanya ang role niya. Sa Telebabad daw ilalagay ang seryeng ito at hindi totoong sa Dramarama ilalagay na lalo namang ikinasiya ng mga kasama sa cast nito.
Dagdag na tuwa kay Claudine na natuloy na ang storycon ng Iglot at sa July 11, magsisimula na silang mag-taping. Masaya ang aktres na busy na uli siya sa trabaho. 3rd quarter offering daw ang Iglot ng Kapuso Network na sigurado namang pinaghandaan talaga ng todo. Abangan natin ‘yan!
1 Comment
I’m excited to see my favorite actress, Claudine Barretto, in a TV series (or teleserye) again. She is a great actress. I like her a lot.