Hindi maipagkakailang maraming magagaling talaga lalo na sa mga naungang batch ng Going Bulilit graduates. Ilan sa kanila ay nabigyan na ng sari-sariling shows at lalo pang sumikat. Example na riyan sina Kathryn Bernardo at Julia Montes (na dating Mara Snitchika) na lalo pang sumikat dahil remake ng teleseryeng Mara-Clara at si Eliza Pineda na una nang binigyan ng role para sa Maria Flordeluna.
Sa ngayon daw ay may plano ang Kapamilya Network na gawan ng isang TV series ang mga Goin Bulilit Alumni. Sabagay, pagkatapos kasi ng Going Bulilit ay bigla na lang silang nawawala kasi kokonti lang ang shows na nagfifit sa kanila. Buti na lang at nauuso ang mga Youth Oriented Shows ngayon kaya bagay na bagay silang bigyan ng bagong shows.
“Luv You” raw ang magiging working title nito na hindi pa alam kung magiging daily series or pang-weekend lang. Abangan na lang daw natin kung ano pang mangyayaring developments sa show na ito.