Halatang excited si Congressman Manny Pacquiao sa kanyang bagong game show sa GMA7, ang Manny Many Prizes!
Nagmotorcade ang buong cast kahapon sa may 15th Avenue, Murphy, Quezon City, namigay pa si Manny ng sarili niyang pera sa ilang sumali sa pa-contest ng show sa dalawang stop point ng parade. Overwhelmed daw si Manny sa dami ng mga tao sa motorcade, kaya imbes na bumaba na sa may isang school dahil sa kahabaan lang ng 15th Avenue dapat ang motorcade, dumeretso na ang parade sa GMA 7.
Pagdating ng Studio 6 ng Siyete, ginanahan din si Manny sa pagre-rehearse ng kanta para sa presscon kagabi ng Manny Many Prizes.
Tiyak na dudumugin ang GMA 7 studio sa pagpi-premiere ng Manny Many Prizes dahil balitang mamimigay uli si Manny ng sarili niyang pera sa first telecast ng kanyang game show kung saan ay co-host niya sina Rhian Ramos at Isabelle Daza.