Balik Pilipinas na ulit si Sarah Geronimo na halos isang buwan ding nawala. Balik na naman siya sa mga tanong ng publiko sa kanya.
Sa isang interview mula noong bumalik siya sa Pilipinas. Tinanong siya ng reporter ng ABS-CBN kung lilipat na nga ba siya ng istasyon? “Ayokong umalis. Please ‘wag. Please Lord,” she prayed during the interview na naipakita sa “TV Patrol,” noong July 7.
Since last year, marami nang ispekulasyon na lilipat na si Sarah sa TV5. Nagrenew para sa isang taon at ngayon namang nalalapit na naman ang pagtatapos ng kanyang kontrata ay nalalapit na naman ang pangambang lumipat ito.
“Siyempre kung gusto ho ako ng Kapamilya station na nandodoon sa kanila, aba’y masarap po sa pakiramdam ‘yon. Kung ayaw na nila sa akin ay nakakalungkot naman ‘yon. Ako, ayoko pong umalis,” dagdag pa niya.