Napakatahimik ng paglipat ni Edu Manzano bilang isang Kapatid. Parang kailan lang kasi nang pumirma si Edu bilang isang Kapuso from ABS-CBN tapos ngayon ay Kapatid na raw siya! Natapos na kasi ang mga shows niya sa Kapuso Network.
Ilang Linggo ring lumaban ang kanyang show na Family Feud sa kanyang timeslot kahit na bali-balitang titigbakin na ito sa ere (see the link). Pero kahit na ganun, walang nakitang reklamo from Edu kahit na ang mga staff ng show niya.
Pahinga raw muna si Edu Manzano sa kanyang pagiging game show host dahil variety show naman ang ihohost niya. Mala-That’s Entertainment daw ang tema at mga bagets ng TV5 ang kanyang makakasama sa show.