Nakipag-meeting na sina Christopher de Leon at manager niyang si Lolit Solis sa mga executive ng Kapamilya network noong Martes at ipinaalam na rin nila sa mga executive ng TV5 ang kanilang desisyon. Kapamilya na nga si Christopher na siguradong malaki ang susunod na teleserye sa ABS-CBN (see the link).
Mantakin mo ba namang dalawa sa mga bigating aktor sa ABS-CBN ang makakasama niya! Si Piolo Pascual at Jericho Rosales ang napili na makasama niya sa magiging project niya sa ABS-CBN. Wala pang balita kung sino-sino pa ang makakasama niya rito at ano ang title nito. Sa ngayon, ang clue pa lang daw ay isang drama ito na talagang magpapamalas ng lalong angking galing ng mga aktor na ito.
2 Comments
matagal na namang walang followup na teleserye si echo pagtapos ng Green Rose although gusto ko din ang I Dare You kasi may mga action na bagay din kay echo.at bigatin din ang makakasama ni echo imagine Christopher de Leon
I hope Kristine Hermosa-Sotto will be part of this teleserye can’t wait…..