Itinanggi ni Rachelle Ann Go ang isyu na nag-uugnay sa kanila ni Cesar Montano. Nagsimula kasi ito sa isang blind item ng isang kilalang showbiz columnist hanggang sa mapangalanan.
“Pinalaki naman ako ng maayos ng magulang ko. At gusto ko lang ipaalala sa lahat na hindi sa akin nagsimula ang failure ng last relationship ko. Walang dahilan to fall in love on the rebound. Bata pa naman ako, darating din ang tamang lalaki para sa akin, walang dahilan para magmadali. Nakakahiya kay Cesar dahil nagpapaka-gentleman lang siya, kaya niya ako hinawakan para alalayan. Walang ibig sabihin ’yun,” paliwanag ng magaling na singer na nakasama si Cesar sa isang promo tour sa Canada para sa GMA Pinoy TV.