Magtatapos na ngayong December ang kontrata ni Carmina Villaroel sa GMA7. Ang tulad niyang aktres ang siguradong magkakaroon ng offers mula sa dalawa pang malaking television company sa Pilipinas – ang ABS-CBN at TV5.
Muntikan na raw kasing matuloy ang paglipat niya kundi lang naagapan ng Kapuso Network sa pagbibigay sa kanya ng bagong project via “Pahiram ng Isang Ina”.
Pero sa pagtatapos ng kanyang kontrata, magrenew kaya ulit siya bilang Kapuso sa GMA7 or lumipat na siya sa ibang istasyon? Ang manager ni Carmina na si Dolor Guevarra ay tikom pa rin ang bibig tungkol sa usaping ito.