Matatandaang September 26, 2010 (last year) pa ay nagsimula ang Reel Love Presents Tween Hearts sa GMA7 (see the link). Dapat sana ay for 1 season lang ito na naextend nang naextend at ngayon ay may movie pa. At ang pinakahuling balita, extended na naman daw ang Youth Oriented series na ito ng GMA7 hanggang next year!
Hindi naman maikakailang sobrang hit na hit ito ngayon lalo na sa timeslot niya. Kung totoong extended na naman ito, deserved naman ng show lalong lalo na ang mga cast nito na kahit karamihan sa kanila ay baguhan pa lamang ay kinakitaan na ng lalim sa aktingan.