Handang-handa na ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa kanilang 3rd Star Awards for Music 2011, sa pagkakalooob ng mga natatanging karangalan para sa maipagkakapuring alagad ng musika, sa ika-16 ng Oktubre, 2011 (Linggo), ika-6:00 ng gabi, sa Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila, Lungsod ng Quezon.
Hosts sina Christian Bautista, Nikki Gil, Gian Magdangal at Karylle. Ang trivia host ay si Janno Gibbs at si Jaya ang primer host. Maghahandog ng special numbers sina Cesar Montano, Pilita Corales, Jed Madela, The Company, Angeline Quinto, at Sakto (Rodjun Cruz, Lucky Mercado & Edgar Allan Guzman).
Ngayong taong ito ay pararangalan ng PMPC ang 15 OPM icons, sila ay napili sa mga pambihirang achievements na naiambag sa musikang Pinoy sa kanilang 40 years sa industriya. Ang mga ito ay sina Jose Mari Chan, Celeste Legaspi, Sylvia La Torre, Ryan Cayabyab, Mike Hanopol, Pepe Smith, (APO) Jim Paredes, Boboy Garrovillo, Danny Javier, Basil Valdez, Madrigal Singers,Victor Wood, Pilita Corales, Freddie Aguilar, at Nora Aunor.
Ang tatanggap ng Lifetime Achievement Award ay ang superstar na si Ms. Nora Aunor (para sa kanyang mga naging achievements at kontribusyon sa local music industry). Kinumpirma ni Nora ang pag-attend upang tanggapin nang personal ang pinakamataas na karangalang ito.
Ang 3rd PMPC Star Awards for Music ay mula sa Beginnings at 20 Plus, Inc. ni Ms. Pelita Peralta Uy, sa pakikipagtulungan ng Net 25 at Star Express. Mula ito sa direksyon ni Arlene Tolibas. Ang kabuuan ng 3rd PMPC Star Awards for Music2011 ay mapapanood sa ika-23 ng Oktubre, 9:30 pm, sa Net 25. Ang primer ay sa ika-22 ng Oktubre, 8:00 pm, sa Net 25.