Isa na talaga sa mga pinakamatagumpay na pelikula ngayong taon ang “No Other Woman” ng Star Cinema at Viva Films na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Derek Ramsey at Cristine Reyes.
Ayon sa mga reports ay nakaabot na ito ng mahigit sa 100M sa loob ng limang araw pa lamang ng pagpapalabas nito sa sinehan. Hanggang ngayon kasi ay pinipilahan pa ito at karamihan ng mga sinehan ay nasa status pang SRO or standing room only.
Lalo pang madadagdagan ito dahil sa pag-urong ng playdate ng “Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda.