Isang komunidad na babahain ng pagmamahal sa isang kasalabang bayan at isang komunidad na bumabangon sa bangungot dala ng matinding baha ang hiwalay na tutukuan ng public service programs na “Ako ang Simula” at “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Nov 12).
Samahan sina Karen Davila, Anthony Taberna, Atty. Pochoy Labog sa kanilang paggabay sa Patroller ng Pagbabago na si Ate Virgie na nais damayan ang mga ka-barangay sa Barangka, Mandaluyong City na sina Clarita, Rosalie, at Chinky. Matagal ng may mga kinakasama ang tatlo at namumuhay na hindi protektado ang karapatan nila bilang mag-asawa dahil hindi sila kasal.
Samantala, papakinggan naman ni Ted Failon ang naging karanasan ng mga residente ng Calumpit, Bulacan nang dinanas nila ang bahang dulot ng magkasunod na paghagupit ng Bagyong Pedring at Bagyong Quiel. Maantig sa kuwento ni Lauro na saksi mismo sa paglubog at pagkalunod ng kanyang kapatid na si Fred kasama ang angkas na pamangkin nilang si Alena.
Ang ”Ako ang Simula” ay pinakabagong public service show ng ABS-CBN na naglalayong simulan ang pangmatagalang pagbabago sa mga komunidad. Kasalukuyang namangnasa ikalawang taon na ang ”Failon Ngayon” ng paghihimay ng pinakasariwang mga isyu at pagbibigay aksyon at solusyon sa mga kasong tinalakay na nito sa programa.
Huwag palalampasin ang back-to-back na serbisyong hatid ng ”Ako ang Simula,” 4PM at ”Failon Ngayon,” 5 PM sa Sabado (Nov 12) sa ABS-CBN.