Ed Lingao lambasts TV5 colleague Erwin Tulfo

  • Ed Lingao slams Erwin Tulfo over the latter’s tirade on Facebook
  • Veteran journalist Ed Lingao didn’t minced words to lambast colleague Erwin Tulfo.
  • Ed Lingao reacted to Erwin Tulfo’s video rant accusing him of many different things.

Veteran Journalist Ed Lingao on Sunday, June 19, 2017, took to Facebook to rebut Erwin Tulfo’s latest rant about his previous social media post rebuking him about his controversial tirade against Senator Risa Hontiveros.

Lingao didn’t minced words in slamming his fellow TV5 broadcaster, saying he should read more before going out on social media with his fiery tongue.

“First, I always advise everyone to read. That includes you, dear Idol. Ang iksi na nga ng post ko nung Byernes, hindi mo pa nagawang basahin bago ka mag rant ng 38 minutes? Paano ka naman nag rant laban sa post na hindi mo binasa? Meme ulit?
Sayang naman ang pagod mo. Sayang din naman ang mga researchers at writers mo.” said Lingao.

He also advised Tulfo to go back and re-read his post because it seemed that he’s barking on a wrong tree with unfounded accusations.

Read the post please. You ranted that I asked KBP and TV5 to suspend or fire you? Huh? Which meme did you read that from? Another “transcript?”

Lingao’s rebuttal came after Tulfo came out on a Facebook video criticizing his post about the latter.

On the video Erwin Tulfo accused Lingao of many things from being a “laos” or unknown journalist to paid journalist. He also rebuked Lingao for allegedly defending the indefensible argument fo Sen. Risa Hontiveros on her interview with UNTV.

That rant triggered Lingao to write his lengthy post on Facebook. Point by point, Lingao answered every accusation that Erwin Tulfo hurled against him from being “dilawan” and “bayaran” to being all knowing and conceited journalist to the worst writer. All of that was given a proper rebuttal and in a proper manner without invectives.

In the end, Lingao chided Tulfo of resorting to a physical way of settling things because he ran out of logic or “brain power” to argue.

“Ang hirap sa mga kagaya mo, pag naubusan na ng brain power, magyayaya mag boxing para magpapawis daw. Subukan mong mag isip, para talagang pawisan ka.”

As of writing, Lingao’s post was already shared 4,275 times with 3,076 comments and more than 16 thousand reactions.

Here’s the complete Facebook post of Ed Lingao Lambasting fellow TV5 broadcaster Erwin Tulfo.

Baka sobrang napagod si Idol sa kanyang “epic” 38 minute rant against me kahapon. Rest ka muna idol, ako naman ngayon. 
But unlike you, I will do it properly. And I will do it right.

First, I always advise everyone to read. That includes you, dear Idol. Ang iksi na nga ng post ko nung Byernes, hindi mo pa nagawang basahin bago ka mag rant ng 38 minutes? Paano ka naman nag rant laban sa post na hindi mo binasa? Meme ulit?
Sayang naman ang pagod mo. Sayang din naman ang mga researchers at writers mo.

Read the post please. You ranted that I asked KBP and TV5 to suspend or fire you? Huh? Which meme did you read that from? Another “transcript?”

You ranted that I justified/defended the senator’s arguments on how to define rebellion and invasion? Huh? Read again. Maiksi lang yan, kaya mo iyan siguro. Patulong ka sa mga bodyguards mo, para naman sulit ang pasweldo ng taumbayan sa kanila.

Ang sabi ko, hindi totoo (fake, fake news, mali, umasa sa meme, tamad, ewan) na tinawag niyang epitome (epitomee ang pag pronounce ha, hindi epitowm. Di mo madadaan yan sa slang accent) ng courage and resilience ang Maute group. Anong bahagi dun ang hindi mo maintindihan? Ahhh oo kailangan mong ilihis para maiwasan ang sablay mo? Oo nga naman, kaya ang mga minions mo, kinukulit ako kung bakit ko dinepensahan ang depinisyon ng senador ng rebellion at invasion. Eh pareho kayong hindi mahilig magbasa, banat lang ng banat.

You argued that you ranted only during the break, and not during the radio program. Read again, kaya mo iyan. Sabi ko, nagsimula ka dun sa programa (putragis, magasawang sampal ang aabutin sa akin, what the f…) at pinatuloy mo sa commercial break. Tapos pag balik mo from break, Engot, putragis, pulpol, etc. Malinaw diba? Basa naman ng kaunti, toy. Ganunpaman, ano man ang palusot mo, nawa’y walang gumaya sa iyo sa mga bata at bagong journo.

You claimed that you corrected yourself midway through your program, and thus, you are not guilty of spreading fake news. And that the fact that you read the senator’s FB post should absolve you of your brilliant ninja moves.

Uhm, hijo, naka up pa ang original video ng programa mo. Panoorin mo kaya ulit. You did not correct yourself. In fact, pinanindigan mo pa ang mali mo. Nag apologize ka sa viewers by saying twice na “binawi” ng senador ang sinabi niya.

Huh? Sinabi mo na binawi ng senador ang sinabi niya? So instead of correcting yourself, you claimed she retracted? And you expected me not to notice that small detail? Sabagay, kung hindi ka naman mahilig magisip at magbasa at magsaliksik, e ganun nga naman talaga ang aasahan mo sa lahat diba?

Ok dun naman tayo sa mga peripheral issues mo.

You cry for propriety. Dapat kinausap man lang kita. Huh? You, the epitome (epitomee) of propriety (sarcasm) should be accorded respect! Teka, saan galing ang ideya mo na yan na kailangan kumatok muna ako sa iyo? Ano ka, si God? Kaya nga nababatikos ang media ng mga alagad mo, dahil hindi natin pinupuna ang mali ng isa’t isa. Tayo tayo lang daw ang nag kukuntsabahan at nagtatakipan. Hijo matanda ka na. Mas matagal ka nang reporter kaysa sa akin. 1986 estudyante ako, nasa Malaya ka na. Di ka pa rin natuto?

Sinabi mo na dilawan at paid journalist ako (Oo napansin ko na minsan, nag iingat ka by saying na “sabi ng iba, bayaran ka…” pero minsan naman hindi ka makapagpigil na sabihing bayaran talaga ako).

Well, this really gets interesting.

Una. Hijo, good strategy, By branding me a yellow journalist, hinakot mo na ang lahat ng D30 at BBM supporters para kuyugin ako. Responsable ka talaga, diba? Brave pa!

Pangalawa, ang patunay mo — tadah! Nung ininterview si candidate Digong sa tv5 last year, nagtanong ako tungkol sa DDS at sa alegasyon ni Trillanes tungkol sa bank accounts. Yun ang mga binanggit mo hijo. Sa totoo lang hindi ko na matandaan yung eksaktong tanong. Pero akala ko journo-kuno ka? Hindi mo ba dapat itanong yung mga pending issues sa subject mo? Ahhh dahil supporter ka. Teka, diba journo ka daw? Good example ito ng confused na tao.

Tapos, yung interview kay Bongbong Marcos. Sabi mo humihingi ako ng apology kay Marcos nung interview. Uhm, hindi ko ginawa yun. “Panoorin” mo ang transcripts hijo. Mali ang research mo. Ang dali namang icheck yun eh. Sablay ka nanaman.

Sabi mo sinasabi ko na magnanakaw si Bongbong. Uhm, hindi ko rin sinabi yun hijo. Kaunting hiya naman diyan. Ang tanong ko, at pwede mo ipacheck sa mga bata mo ito, kung paano niya ipapaliwanag ang swiss bank accounts ng pamilya niya na binawi na ng Korte Suprema. Ayun malinaw yun. Palibhasa hindi ako gaya ng ilan diyang mga Idol na mag momodulate at babanat ng mabigat na tanong na “Sir may we have your opinion on the issue of…”

Paid and bayaran journalist? Seriously hijo, do you want me to head in that direction? Baka matauhan ka. Sa mga trolls mo, ikaw ang Diyos, pero sa maliit na industriya natin, alam ng lahat kung sino ang mga ACDC at sino ang hindi. Hindi ako yung mahilig gumawa ng “eksklusib!” na mga storya na puro mga reklamo ng mga kontratista na natalo sa bidding, at hindi rin ako yung maraming interes sa Customs, among many other interests. Gusto mo ba talagang pagusapan iyan idol?

Eto pa. Hindi naman daw ako magaling na manunulat o mamahayag, kasi kung magaling talaga ako (gaya ni Idol), aba eh kinuha na akong kolumnista ng malalaking dyaryo o ginawang primetime news anchor ng sikat na estasyon.

Wrong on so many levels. In fact, this is exactly the perception we try to fight, the thinking that we hope young journalists would disabuse themselves of. This just reveals your appalling mindset.

Hindi ka magaling kaya ka ginawang anchor o columnist hijo. Magaling ka magbasa, o di kaya ay may following. Any journ student should tell you that is not the same thing. Marami rin sa atin na oncam (hindi lahat), hindi naman talaga journalist. Yung iba, kahit hindi journo, may angking dunong at talino, pero yung iba, magaling lang talaga magbasa. Marami sa mga opinion makers, hindi rin journalists (and rightly so! Pero you are mixing them up) Saan mo naman nakuha ang idea na kaya ka ginawang anchor sa primetime ay dahil ikaw ang kapita pitagang ehemplo ng journalism? Kaya nga ang daming problema sa industriya natin, dahil sa mga ganyang pagiisip na pinagmamalaki mo pa. E kaya ka pala ganyan.

At nabighani ako sa pahayag mo na di ako marunong magsulat. May Gahd! Sinabihan ako ni Idol na hindi ako marunong magsulat! Siguro dapat din akong gumaya sa iyo, na umaasa sa writer at segment producer para makabuo ng storya, na kahit nasa abroad ay may nagproproduce, nagcocover, at nagsusulat ng script sa Pinas para lang ipa voice over sa iyo sa abroad? Di bale, balang araw, idol, maabot ko rin ang bilang ng followers mo haha

And lastly, you mentioned the death of my child two or three times in your 38 minute rant. That is plain foul irresponsible and callous and malicious on all levels. Kaya ang iba mong mga trolls, ginamit na peg ang pagkamatay ng anak ko. BRavo, responsable ka talaga at kapita pitagang ehemplo para sa lahat! I would not expect an apology from you for that particular issue, or any of the issues I have raised, because I know you too well. Unfortunately.

Matindi ka talaga. Ano ito, pakapalan lang ng mukha? Kung yun lang, panalo ka na.

Oh, and your veiled invite na magpapawis sa gym sa likod? Text lang kita? Hijo, ang hirap sa mga kagaya mo, palibhasa maraming umiiwas, akala nila astig na sila. Sino ang tinakot mo? Hindi kita pag aaksayahan ng load, lalo’t ang laki laki naman ng kinikita mo sa maraming bagay. Kung gusto mo akong puntahan, aba puntahan mo ako, at alam mo kung anong oras ako nandun sa opisina. Pero para klaro, hindi ako ang unang titira. Take a swing if you want hijo, pero hindi ako ang unang titira. Hindi rin ako papatalo. Ang hirap sa mga kagaya mo, pag naubusan na ng brain power, magyayaya mag boxing para magpapawis daw. Subukan mong mag isip, para talagang pawisan ka.

Comments

Loading...

Article Tags

Ed Lingao5 Ed Lingao Erwin Tulfo1 Ed Lingao facebook post1 Ed lingao vs Erwin Tulfo1 Erwin Tulfo12 Erwin tulfo video vs ed lingao1 Martial law in Mindanao4 TV586

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments