Daily Horoscope: August 13, 2017 – Sunday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magagawa mong pabilibin ang mga tao sa iyong paligid. Dahil dito, magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan at dadami ang mga supporters mo.
Love:
Singles: Huwag kang pumasok sa isang relasyon kung hindi ka naman sigurado sa iyong nararamdaman. Kaya mas mabuting maging magkaibigan muna kayo.
Money/Career:
Maaaring humingi ka ng tulong sa isang professional. Pero pag-isipan mo muna itong mabuti dahil mukhang mapapagastos ka ng malaki dahil dito.
Lucky color: Dark Brown
Lucky number: 16

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka munang mag-share ng kahit anong private information sa ibang tao. Maaaring gamitin ito laban sa iyo, kaya naman kailangan mong maging maingat.
Love:
Couples: Kung may problema kayo, ayusin ninyo ito agad. Huwag ninyong hayaan na lumaki ito dahil mahihirapan lang kayong ayusin ito sa huli.
Money/Career:
Maganda naman ang takbo ng iyong career pero may matatanggap ka pa rin na opportunities para lalo pang gumanda ang iyong career.
Lucky color: Red
Lucky number: 19

Gemini (May 21 – Jun 20)
Ang tensyon at pressure sa trabaho ay maaaring makaapekto sa iyong kalusugan. Kaya naman kung may pagkakataon kang magpahinga at matulog nang maaga, gawin mo ito.
Love:
Couples: Huwag mahiyang i-share sa iyong partner ang ilan sa iyong mga sikreto. Mas mauunawaan ka niya kung magiging open ka.
Money/Career:
Maaaring maging hadlang ang iyong trabaho sa iyong relasyon. Kaya naman huwag mong kalimutang ibalanse ang iyong oras.
Lucky color: Silver
Lucky number: 10

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
I-enjoy mo muna ang iyong sarili. Kung kailangan mo ng bakasyon, gawin mo ito. Maganda rin ang araw na ito para ikaw ay magmuni-muni.
Love:
Singles: Maaaring gumawa ka ng paraan para mapansin ka ng iyong crush. Pero mukhang manhid siya at hindi niya mapapansin ang iyong effort.
Money/Career:
Kamakailan ay lumalaki ang iyong gastos, kaya naman subukan mong magtipid simula ngayon para hindi ka umabot sa point na mangungutang ka sa iyong mga kaibigan.
Lucky color: Blue green
Lucky number: 3

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Lumayo ka sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo ring hayaang maapektuhan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Maaaring magtalo kayo ng iyong partner ngayong araw. Maaaring mainis ka sa isang bagay na gagawin ng iyong partner.
Money/Career:
Maaaring mawalan ka ng pera dahil sa isang investment na pinasok mo. Kaya para hindi na ito maulit, alamin mong mabuti kung ano ang pinapasok mo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Oras na para kontrolin mo ang sarili mong buhay. Huwag kang makinig sa sasabihin ng iba dahil mas kilala mo ang iyong sarili.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, maaaring magkaroon kayo ng misunderstanding ng iyong partner. Kaya naman dapat ay marunong kayong makinig sa isa’t-isa.
Money/Career:
Maaaring may utuin kang tao ngayon para gawin niya ang iyong mga gawain. Itigil mo na ito kung hindi kakarmahin ka sa huli.
Lucky color: Red
Lucky number: 11

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maganda ang araw na ito para makipagbonding sa iyong mga kaibigan. Maaaring bisitahin ka rin nila sa inyong bahay kaya naman maghanda ka.
Love:
Couples: Magiging malambing ka ngayong araw kaya naman malilito ang iyong partner sa mga bigla mong ikikilos.
Money/Career:
Makakakuha ka ng magandang job offer ngayong araw pero pag-isipan mo munang mabuti kung tatanggapin mo ito dahil malayo ang location nito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 18

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto dahil malaki ang posibilidad na makuha mo ang jackpot.
Love:
Singles: Makikita mo ang taong nakatadhana sa iyo kung pupunta ka sa isang sport center.
Couples: Kung stressed ka na sa iyong relasyon, ilaan mo muna ang araw na ito para mapag-isa.
Money/Career:
Unti-unti mo na nakukuha ang iyong mga gusto. Kaya naman ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag sa iyong trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 2

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging masiyahin ka ngayong araw at walang bagay ang makasisira ng iyong mood. Kung meron man, hindi naman ito magtatagal.
Love:
Ex-couples: Huwag mong hayaang maging hadlang ang iyong past experiences para makahanap ka ng taong bagong mamahalin.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para ipakita sa mga taong walang bilib sa iyo ang iyong achievements sa buhay.
Lucky color: Blue
LUcky number: 8

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Handa ka na para harapin ang iyong mga obligasyon sa buhay. Kaya naman maging matatag ka at huwag mawalan ng pag-asa.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong tingalain ang iyong partner. Walang taong perpekto kaya dapat ay matanggap mo meron din siyang flaws.
Money/Career:
Mapupuno ka ng energy para harapin ang iyong mga goal sa buhay. Magagawa mo ring suportahan ang iyong pamilya sa huli.
Lucky color: Cream
Lucky number: 11

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka muna gumawa ng isang major decision ngayong araw dahil malaki ang posibilidad na magkamali ka rito at pagsisihan mo ito sa huli.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong pahirapan ang iyong partner kung nawawalan siya ng oras para sa iyo. Maaaring busy lang siya sa trabaho kaya naman unawain mo na lang siya.
Money/Career:
Kung may pinahiram kang pera kamakailan, maaaring mabawi mo na ito ngayong araw.
Lucky color: Green
LUcky number: 17

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring tamarin ka ngayong araw dahil mukhang magiging mabagal ang takbo ng oras. Habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Love:
Ex-couples: Maaaring makita mo ulit ang iyong ex at baka gugustuhin niyang makipagbalikan sa iyo. Pag-isipan mo munang mabuti ang iyong magiging desisyon tungkol dito.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa iyong trabaho at mukhang pabor naman sa iyo ang pagbabagong ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 9

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope78 horoscope78

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments