Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang event na aasikasuhin, bantayan mo itong mabuti. Dahil kung iaasa mo ito sa iba, hindi maiiwasan na magkaroon ng problema.
Love:
Couples: Iwasan mong makipag-away sa iyong partner. Kaya naman, huwag ka na sumagot sa kanya. Intindihin mo na lang ang kanyang gusto.
Money/Career:
Kung ikaw ay may subordinates, huwag masyadong maging strict sa kanila. Mas magiging productive sila kung hindi sila stressed sa trabaho.
Lucky color: Dark Grey
LUcky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring maguluhan ka sa mga bagay-bagay na mangyayari sa iyong paligid. Kaya naman, sundin mo na lang ang iyong kutob at huwag i-doubt ang sarili.
Love:
Singles: May taong may gusto sa iyo pero hindi niya ito maamin sa iyo. Marahil ay takot siya na baka i-reject mo lang siya.
Money/Career:
Maging confident sa iyong mga gawain. Maniwala ka sa sarili mong kakayahan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maganda ang araw na ito para ipakita sa iba ang iyong natatagong talento. Malaki ang posibilidad na bumilib sila sa iyo.
Love:
Singles: Magiging mas mature ka na mag-isip ngayon at hindi ka na basta-basta pumapatol sa kahit sinong may gusto lang sa iyo.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil meron kang isang katrabaho na may balak isabotahe ka.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging moody ka ngayong araw kaya naman mas maganda kung lalayo muna sa iyo ang iyong mga kaibigan para hindi sila madamay sa topak mo.
Love:
Singles: Subukan mong mag-eksperimento ngayong araw. Magbago ka ng outfit o kaya ng hairstyle para naman maiba ang aura mo.
Money/Career:
Maaaring makakuha ka ng good news regarding sa iyong trabaho. Magpasalamat sa blessing na matatanggap.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mong sayangin ang iyong oras sa mga bagay na hindi importante. Unahin mo muna ang iyong mga responsibilidad bago ang ibang bagay.
Love:
Couples: Kung hindi sang-ayon ang inyong mga magulang sa inyong relasyon, maaaring magbago na ang kanilang isip at pumayag na sila.
Money/Career:
Kung gusto mo na magresign at mag-apply sa iba, gawin mo ito sa lalong madaling panahon habang may opening pa sa gusto mong company.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may taong kumukontra sa iyo, harapin mo siya at tanungin kung ano ba ang problema niya sa iyo. Minsan ay kailangan mo talagang diretsuhin ang isang tao.
Love:
Couples: Minsan ay OA ka na mag-isip kaya naman nahihirapan kang pakisamahan ng iyong partner. Magrelax ka lang at matutong huwag mapraning.
Money/Career:
Subukan mong bawasan ang iyong paggastos para naman may matipid ka at magamit sa hinaharap.
Lucky color: Black
Lucky number: 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mas magandang sundin mo ang iyong kutob at hinala ngayong araw. Malaki ang posibilidad na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: May makikita kang tao na swak sa taong type mo. Kaya naman, huwag mahiyang makipagkilala sa kanya.
Money/Career:
Ito na ang tamang oras para magsimula ka ng sarili mong business. Tatagan mo ang iyong loob at bigyan ito ng sapat na atensyon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maging supportive ka sa isang tao kahit na hindi mo masyadong gusto ang kanyang ginagawa. Pero kung masaya siya dahil dito, hayaan mo na lang siya sa gusto niyang gawin.
Love:
Singles: Kung gusto mo na pumasok sa isang relasyon, ipaalam mo muna ito sa iyong mga magulang para naman aware sila sa mga ginagawa mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa service sectors ang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka na masyadong kumontra sa mga nangyayari sa iyong paligid. Sumunod ka na lang sa agos at may maganda ring idudulot sa iyo ito.
Love:
Singles and couples: Matutong magpatawad sa mga taong nagkasala sa iyo. Gagaan ang iyong loob at magkakaroon ka ng peace of mind kung gagawin mo ito.
Money/Career:
Magfocus ka nang mabuti sa iyong trabaho para naman hindi matapos mo agad ang iyong mga gawain. Huwag masyadong magpadistract sa iyong kapaligiran.
Lucky color: Cream
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung nahihirapan kang solusyunan ang iyong problema, subukan mong i-share ito sa iyong kaibigan at maaaring mapayuhan ka niya nang tama.
Love:
Couples: Kung steady naman ang inyong relasyon at matagal na kayong nagsasama, marahil ay panahon na para kayo’y magpakasal.
Money/Career:
May mga problema na lilitaw sa iyong trabaho ngayong araw. Pero kung wala ka namang kinalaman dito, huwag ka na magmarunong o makialam.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging masayahin ka ngayong araw kaya naman matutuwa rin ang mga taong makakasalamuha mo dahil mahahawaan mo sila ng iyong positive energy.
Love:
Couples: Kung naging busy ka masyado kamakailan, panahon na para bumawi ka sa iyong partner. I-treat mo siya sa labas o kaya’y bigyan ng regalo.
Money/Career:
Umiwas ka muna sa pagbili ng mga gamit online. Tipirin mo muna ang iyong pera at maghintay ng tamang araw para gastusin ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mabilis ka ma-bore sa mga bagay na paulit-ulit. Kaya naman maghanap ka ng bagong hobby para naman ma-excite ka ngayong araw.
Love:
Couples: May malalaman kang bago sa iyong partner at mukhang makakatulong ito para lalong gumanda ang inyong relasyon.
Money/Career:
Kung pinag-iisipan mong maghanap ng ibang trabaho, ito na ang tamang panahon para simulan mo ito.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 7