Daily Horoscope: August 8, 2017 – Tuesday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mong magmuni-muni ngayong araw. Maaaring pumunta ka sa isang tahimik na lugar o kaya ay magsimba na lang muna.
Love:
Singles: May taong magiging sweet sa iyo pero huwag kang mag-assume kaagad na may pagtingin siya sa iyo.
Money/Career:
Kung pinag-iisipan mong magtayo ng sarili mong business, simulan mo na ito habang maaga pa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 10

Taurus (Apr 20 – May 20)
Malaki ang posibilidad na maging pasaway ka ngayong araw. May mga bagay ka na hindi mo mapagtitripang gawin kaya naman magiging sakit ka sa ulo ng iba.
Love:
Singles: Malaki ang posibilidad na makita mo na ang taong gusto mong makasama sa buhay. Pero bilisan mo lang dahil hindi lang ikaw ang naghahabol sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 24

Gemini (May 21 – Jun 20)
Magiging kalmado ka ngayong araw at magagawa mong tapusin ang anumang gawain mo na naiwan kahapon.
Love:
Singles: Maki-mingle muna sa iyong mga kaibigan at kung balak ninyong kumain sa labas, subukan ninyong kumain ng street food.
Money/Career:
Magkakaroon na ng magandang resulta ang iyong mga paghihirap sa trabaho. Konting panahon na lang at makukuha mo na ang matagal mong inaasam na promotion.
Lucky color: Baby Blue
Lucky number: 18

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magiging demanding ka ngayong araw. Kaya naman may mga taong hindi masyadong matutuwa sa pagiging bossy mo.
Love:
Couples: Bantayan mo ang iyong temper dahil kung magiging mainit ang iyong ulo, malaman na magtalo kayo ng iyong partner.
Money/Career:
Maaaring ma-stress ka sa iyong trabaho ngayon. Kung palagi ka na lang stressed, maaaring magkasakit ka sa mga susunod na araw.
Lucky color: Violet
Lucky number: 15

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Lalo kang magiging maswerte ngayong araw kung tutulungan mo ang mga taong kapos sa yaman. Magdonate ka ng mga bagay na hindi mo na masyadong ginagamit.
Love:
Couples: Maaaring may kailangang kang alagaan ngayong araw. Pero huwag mag-alala dahil maiintindihan ka naman ng iyong partner.
Money/Career:
Nagiging sakitin ka kamakailan kaya naman hindi malayong poor lagi ang iyong performance sa trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magiging energetic ka ngayong araw. Kaya naman magagawa mong matapos ang mga bagay na kalimitan ay hindi mo nagagawang tapusin on-time.
Love:
Singles: Muli mong makikita ang isang taong naging bahagi ng iyong nakaraan at magkakaroon siya ng bagong role sa iyong buhay.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng isang job offer ngayong araw pero mukhang malayo ito. Pag-isipan munang mabuti kung ito ay tatanggapin mo o hindi.
Lucky color: Blue
Lucky number: 8

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mahihilig ka sa mga bagay na misteryoso ngayong araw. Kaya naman kung gusto mo magbasa ng mystery novels o manood ng mystery films, gawin ito.
Love:
Couples: Balak mong gumawa ng event para sa iyong partner. Pero mukhang hindi sisipot dito ang karamihan sa mga iimbitahan mo.
Money/Career:
Kontrolado mo ang iyong paggastos kaya naman malaki ang posibilidad na lumaki ang iyong ipon sa mga susunod na mga buwan.
Lucky color: Red
Lucky number: 11

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging confused ka ngayong araw dahil sa mga iniisip mong problema. Kung nahihirapan kang solusyunan ang mga ito, humingi ka ng tulong sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung gusto mong magtagal ang inyong relasyon, dapat ay hindi mo palagi pinapairal ang iyong ego. Matutong makinig sa iyong partner.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ka ng problema sa iyong trabaho at kung hindi ka mag-iingat, maaaring masira ang iyong araw dahil dito.
Lucky color: White
Lucky number: 4

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging masigla ka ngayong araw kaya naman kung may balak kang lumabas kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan, gawin ito.
Love:
Couples: Kung may nagawang kasalanan sa iyo ang iyong partner at humingi siya ng tawad, patawarin mo siya pero siguraduhin mo na hindi na niya ito uulitin.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho. Kung magiging careless ka, maaaring mapagalitan ka ng iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging productive ang araw na ito kung hahabaan mo ang iyong pasensiya. Hindi ito ang tamang panahon para maging tamad.
Love:
Couples: Kailangan mong balansehin ang iyong oras sa trabaho sa oras mo para sa iyong partner. Kung masyado kang busy, maaaring magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Gumastos ka kamakailan ng higit sa kaya mo, kaya naman baka mapilitan kang umutang sa iba.
Lucky color: Gold
Lucky number: 25

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May taong matagal mo na kakilala ang magkakaroon ng bagong role sa buhay mo. Maaaring maging close pa kayo kaysa sa dati.
Love:
Couples: Kung palagi ka na lamang nasasaktan sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para maghiwalay kayo.
Money/Career:
Kilalanin mong mabuti ang iyong boss para makuha mo ang loob niya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi ka maintindihan ng ibang tao, huwag ka na mag-effort mag-explain sa kanila dahil hindi ka rin naman nila pakikinggan.
Love:
couples: May malalaman kang bago sa iyong partner at ikaw lang makakapagsabi kung makakasira ito sa inyong relasyon.
Money/Career:
Magagawa mong tapusin ang iyong mga gawain on-time kaya naman magkakaroon ka ng maraming oras para makapagpahinga.
Lucky color: Purple
Lucky number: 12

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope72 horoscope72

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments