Daily Horoscope: September 14, 2017 – Thursday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
May bagay ka na gustong gawin pero takot ka sa mga sasabihin ng ibang tao tungkol dito. Huwag mo silang pakinggan at gawin mo lang ang magpapaligaya sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan ng ibang tao ang iyong relasyon. Ikaw ang mas nakakakilala sa iyong partner kaya naman huwag makinig sa mga paninira tungkol sa kanya.
Money/Career:
Mas maganda na updated ka sa mga bagong gamit o balita para naman hindi ka napag-iiwanan.
Lucky color: Red
Lucky number: 8

Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may darating na good news sa inyong pamilya ngayong araw at may malaking posibilidad na may kinalaman ito sa pera.
Love:
Singles: May taong nakalaan para sa iyo. Kaya naman kung hindi ka niya gusto, huwag mo na siya pilitin dahil ikaw lang ang masasaktan.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na magkasakit ka ngayong araw kaya naman hindi magiging ganun kaganda ang iyong performance sa trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 22

Gemini (May 21 – Jun 20)
Mapupuno ka ng energy ngayong araw kaya naman magiging masipag ka at magagawa mong tapusin ang anumang gawain na iutos sa iyo.
Love:
Singles: Madali mong naaakit ang mga tao sa iyong paligid, kaya naman kadalasan ay marami ang lumalapit sa iyo para makipagkilala.
Money/Career:
Maaaring ma-delay ang iyong sahod, pero huwag mag-alala dahil sigurado namang darating ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 16

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magkakaroon ka ng pagkakataon para tapusin ang isang gawin na matagal na nakapending. Magagawa mo na tuloy na simulan ang iba pang importanteng bagay.
Love:
Singles: Kung takot ka pa na pumasok sa isang relasyon, huwag mo pilitin ang iyong sarili. I-enjoy mo lang ang pagiging single mo.
Money/Career:
Maganda ideya na ilibre mo ang iyong mga kaibigan ngayong araw lalo na kung may sobra ka namang pera.
Lucky color: Cream
Lucky number: 11

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mahalaga na alagaan mo ang iyong sarili. Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuti na magpahinga na lang buong araw sa bahay.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya lalo na sa iyong partner dahil magiging pasaway siya sa iyo buong araw.
Money/Career:
Mas magandang ihiwalay mo na ang iyong sarili sa mga taong hindi na nakakatulong sa iyong business o career.
Lucky color: Gray
Lucky number: 5

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Lumayo ka sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo rin silang hayaang maimpluwensiyahan ang iyong mga gagawing desisyon.
Love:
Singles: Mukhang magiging maswerte ka ngayong araw dahil may malaking chance na may taong magkagusto sa iyo.
Money/Career:
Talaga namang sisipagin ka ngayong araw at maraming trabaho ang iyong matatapos. Huwag mo lang kalimutan ang iyong kalusugan at mahirap na kung mabigla ang iyong katawan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may gusto kang sabihin, mas mabuting huwag na lang ito sabihin sa ibang tao dahil may malaking chance na maoffend mo sila.
Love:
Singles: Kung nahihirapan kang pumili kung sino ba dapat ang iyong sagutin sa iyong mga manliligaw, mas mabuting huwag na munang magdesisyon at i-test mo ang patience nila.
Money/Career:
Maaaring nalugi ka na dahil sa isang investment. Kaya naman tiyakin mo munang mabuti ang sasalihang investment kung may balak kang subukan muli ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magiging confident and happy ka ngayong araw, kaya naman hindi malayong mapansin ito ng mga taong nakapaligid sa iyo at isipin nila na blooming ka.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para gumimik kasama ang iyong partner. I-enjoy niyo lang ang company ng isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang bumababa na ang iyong mga gastusin araw-araw kaya naman hindi malayong lumaki na ang iyong mga naipon.
Lucky color: Gold
Lucky number: 7

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Lumayo ka sa mga taong negative sa buhay. Huwag mo ring hayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga gagawing desisyon.
Love:
Couples: Kung nagkaroon kayo ng away kahapon, mukhang magiging mahinahon na kayo ngayong araw at may chance na magkabati na kayo.
Money/Career:
Kung ikaw ay may examination ngayong araw, may malaking chance na maging pabor sa iyo ang magiging resulta nito.
Lucky color: Gray
Lucky number: 25

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Meron kang kakayahan na maging charming sa mga tao kaya naman gamitin mo ito para magkaroon ka ng maraming koneksyon.
Love:
Singles: Kung meron kang ex, may malaking chance na magkabalikan kayo. Pero bago ka magdesisyon, pag-isipan mo muna itong mabuti.
Money/Career:
Hindi bagay sa iyo ang magtrabaho behind the scenes dahil ang skill mo sa trabaho ang mga tipong dapat ipinagmamalaki.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang napalaki ang iyong paggastos kamakailan, kaya naman mas mabuti kung magtitipid ka muna sa ngayon para hindi gaano mabawasan ang iyong ipon.
Love:
Couples: Magiging maganda ang araw mo ngayon kaya naman mas mabuting ilaan mo ito kasama ang iyong partner.
Money/Career:
May maiisip ka na magandang business at mas mabuting simulan mo ito kaagad para maunahan mo ang iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nagtitipid ka para mabili mo ang isang bagay, mukhang ito na ang tamang panahon para bilhin ito. Huwag na tumingin sa iba dahil tama ang iyong desisyon.
Love:
Couples: Kung may problema ka, sabihin mo ito sa iyong partner. Mas mabuti na alam niya ito kaysa naman sa itago mo sa kanya.
Money/Career:
Kung may pinautang ka dati, may malaking chance na bayaran ka na niya ngayong araw.
Lucky color: White
Lucky number: 15

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope46 horoscope47

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments