Daily Horoscope: October 13, 2017 – Friday

Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung malungkot ka ngayong araw, may chance na hindi mo maibibigay ang best mo sa iyong mga gawain. Magiging maayos din ang lahat kaya smile naman diyan.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, subukan mo munang kaibiganin siya para makita mo kung anong klase siyang tao.
Money/Career:
Huwag mong balewalain ang iyong kalusugan. Kung magiging healthy ka, magiging healthy din ang isip.
Lucky color: Purple
Lucky number: 2

Taurus (Apr 20 – May 20)
Matatapos na rin sa wakas ang iyong hectic na schedule at magagawa mo na makapagpahinga ng mahaba-habang oras.
Love:
Singles: Maaaring may taong makikipagflirt sa iyo. Pero ingat lang dahil wala siyang balak na makipagseryosohan sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalamay sa luxury goods ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7

Gemini (May 21 – Jun 20)
May kakilala kang malapit nang ikasal, kaya naman bigyan mo siya ng regalo o kaya’y makipagcelebrate sa kanya.
Love:
Couples: Kung may achievement ang iyong partner, i-celebrate ninyo ito at tiyak na kikiligin siya sa gagawin mo.
Money/Career:
Kung alam mong hindi tama ang iyong ginagawa, huwag mo na ito gawin. Hindi porke ginagawa ito ng karamihan ay tama na ito.
Lucky color: White
Lucky number: 20

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung malaki na ang iyong kinikita, i-treat mo ang iyong pamilya sa isang outing para naman masiyahan sila.
Love:
Couples: Kung hindi ka masyadong pinapansin ng iyong partner dahil sa busy siya sa kanyang trabaho, may chance na bumawi siya sa iyo ngayong araw.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na mangyayari sa iyong trabaho. Hindi mo man ito magustuhan sa una, pero may idudulot naman itong maganda sa huli.
Lucky color: Green
Lucky number: 3

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring may i-confront ka ngayong araw. Kaya naman maging kalmado ka lang para hindi kayo humantong sa sagutan.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Huwag mo hahayaang mawalan ka ng oras sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga ginusto ang iyong trabaho, maaaring mawalan ka ng interes dito kinalaunan.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maaaring may i-confront ka ngayong araw. Kaya naman maging kalmado ka lang para hindi kayo humantong sa sagutan.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Huwag mo hahayaang mawalan ka ng oras sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga ginusto ang iyong trabaho, maaaring mawalan ka ng interes dito kinalaunan.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Bago ka gumawa ng desisyon, siguraduhin mo munang mapapanindigan mo ito sa huli. Huwag kang magpabago-bago ng isip.
Love:
Singles: Mag-ingat ka lang dahil baka maging dahilan ka ng pag-aaway ng isang couple. Kung wala ka namang masamang ginagawa, hindi ka dapat matakot.
Money/Career:
Kung wala namang pakialam sa iyo ang iyong mga kasama, mas mabuti na maghanap ka na lang ng trabaho na may mas magandang working environment.
Lucky color: White
Lucky number: 22

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring makatanggap ka ng isang mamahaling regalo mula sa isang tao na hindi mo inaasahan. Kaya naman huwag mong kalimutang magpasalamat sa kanya.
Love:
Couples: Kung hindi ka maglalaan ng panahon para sa iyong partner, may chance na magtampo siya sa iyo at kakailanganin mong suyuin siya.
Money/Career:
Mukhang magiging maganda naman ang takbo ng iyong career. Maraming project ang makukuha mo at maaaring puruhin ka ng iyong boss.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 20

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Malaki ang kakayahan mo para i-charm ang mga tao sa iyong paligid. Kaya naman magagawa mong palawakin pa ang iyong social circle.
Love:
Singles: Mukhang magbabago na ang pagtingin mo sa isang kaibigan. Unti-unti ka nang nahuhulog sa kanya.
Money/Career:
Kung alam mo kung gaano kaimportante sa isang tao ang oras, malaki ang chance na maging successful ka sa iyong career.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 13

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maghintay ka lang. Habaan mo ang iyong pasensiya at magiging successful ka rin sa iyong buhay. Importante na hindi ka mawalan ng motivation.
Love:
Singles: Lumayo ka sa problema ng isang couple dahil may malaking chance na madamay ka sa kanilang away.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para tapusin mo ang anumang pending na gawain mo kahapon.
Lucky color: Cream
Lucky number: 30

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Marami kang commitments na dapat gawin kaya naman huwag ka na magreklamo. Tapusin mo na lang ang mga gawain na ibibigay sa iyo para makapagpahinga ka nang maaga.
Love:
Singles: Mukhang chance mo na para mapalapit ka sa isang tao. Kaya naman gawin mo ang lahat para mapadalas ang inyong pagkikita.
Money/Career:
Kung hindi maganda ang nagiging takbo ng iyong trabaho, mas maganda kung magsisimula ka muli.
Lucky color: Orange
Lucky number: 27

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Ngayon na ang tamang panahon para gawin mo ang mga bagay na ipinangako mong gagawin mo para sa iyong sarili.
Love:
Couples: Kailangan mo na aksyunan ang mga issue sa iyong love life. Kung hindi pa ngayon, kailan pa?
Money/Career:
Kung may plano ka na mag-invest sa isang property, mukhang makakakuha ka ng magandang deal ngayon.
Lucky color: Red
Lucky number: 12

Comments

Loading...

Article Tags

daily horoscope77 horoscope77

Whats your reaction?

0

ABA'Y MATINDI

0

OK LANG

0

LOL

0

PAK NA PAK

Comments